-- Advertisements --

Bumwelta ang Chinese Embassy sa Maynila sa mga naging pahayag ni Department of National Defence Secretary Gilberto Teodoro Jr. laban sa mga ilegal na aksyon ng China sa West Philippine Sea.

Ayon sa Embahada, ang mga binitawang pahayag ni Teodoro ay walang basehang akusasyon.

Una nang binatikos ni Teodoro ang pagtutol ng China sa deployment ng United States Typhon missile system sa Pilipinas.

Mariin aniya nilang kinokondena ang statement ni Teodoro na puno umano ng mga ideological bias.

Ipinunto pa ng embahada na hindi ito ang unang pagkakataon na naglabas si Teodoro ng unprofessional at ludicrous remarks.