Binatikos ng Chinese Embassy sa Pilipinas ang umano’y mga maling paratang laban sa bagong batas na nagpapahintulot sa Chinese Coast Guard na magpaputok sa foreign vessels.
Sa isang pahayag, sinabi ng Embassy na ang naturang batas ay sang-ayon sa mga umiiral na international convention, at hindi raw nakatuon sa alinmang partikular na bansa.
“The content of the law conforms to international conventions and the practices of the international community. Enacting such a coast guard law is not unique to China, but a sovereign right to all,” saad sa pahayag.
“Many countries have enacted similar legislation. It is the Philippine Coast Guard (PCG) Law of 2009 that established the PCG as an armed and uniformed service. None of these laws have been seen as a threat of war,” dagdag nito.
Ayon pa sa Embahada, ang pagpapatupad ng naturang kontrobersyal na batas ay hindi raw indikasyon na may pagbabago sa maritime policy ng Beijing.
Giit nito, nananatiling committed ang Beijing sa pagplantsa ng mga hindi pagkakaunawaan sa mga bansang may claim sa West Philippine Sea, tulad ng Pilipinas, sa pamamagitan ng mga dialogue at konsultasyon para pagtibayin ang kapayapaan sa pinagtatalunang teritoryo.
Kasabay nito, binanatan din ng Chinese embassy ang umano’y fake news laban sa Chinese Coast Guard.
Partikular na tinukoy ng embahada ang pangha-harass daw ng mga tauhan ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pinoy.
Sinabi ng Embahada na may ilan umano sa Pilipinas na nagpapakalat ng aniya’y walang basehang balita, na posibleng dahil daw sa pansariling interes o prejudice sa China.
“Some forces in the Philippines, either for their own political interests or out of prejudice toward China, have not only misinterpreted China’s normal legislation, but also fabricated and spread relentlessly fake news such as ‘China Coast Guard harassing Filipino fishermen,’ despite repeated denial from authorities concerned including the Philippine armed forces of such an improbable case,” anang embahada.
“They have also gone as far as to sensationalize the entry of a Chinese scientific survey ship into Philippine waters as an ‘intrusion’,” dagdag nito.
Locsin kay Roque: ‘Lay off’
Pinayuhan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. si Presidential spokesperson Harry Roque na huwag mangingialam sa isyu ng ugnayang panlabas.
Sa isang Twitter post, sinabi ni Locsin na hindi raw competent si Roque sa naturang usapin.
“I am not listening to Harry Roque. Love the guy but he’s not competent in this field. We do not go back to The Hague. We might lose what we won. Harry, lay off,” saad ni Locsin.
Ang tweet na ito ni Locsin ay tugon sa naging pahayag ni Roque na maaari umanong idulog ng Pilipinas sa United Nations ang bagong batas ng China.
Sa kabila nito, inihayag ni Roque na nasa kamay pa rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng ministry of foreign affairs ng iba pang mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang bola kung kanila itong itutuloy.
“Ang China po hindi pupuwedeng dalhin sa International Court of Justice dahil wala po siyang consent na mag-litigate doon sa ICJ,” wika ni Roque.
“Ang pupuwedeng gawin po ay diyan nga po sa International Tribunal for the Law of the Sea gaya ng ginawa natin, dahil by being a party to UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea), she (China) also become a party to the compulsory dispute settlement mechanism,” dagdag nito.