-- Advertisements --

Tiniyak ng Chinese Embassy walang magiging problema at tuloy-tuloy ang suplay ng COVID-19 vaccine sa bansa para labanan ang COVID-19.

Sinabi ni Chinese Embassy Charge d’Affaires Tan Qingsheng na mayroong 25 milyon doses ng Sinovac na binili ang Pilipinas ngayong taon.

Nagkakaroon na rin ng pag-uusap para sa pagbili rin ng Sinopharm vaccines.

Sa nabiling mahigit 17 milyon doses ng COVID-19 vaccine ng Pilipinas, nasa 12 milyon dito ay mula sa Sinovac.