Pinatawag ngayong araw ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese Embassy of Manila Deputy Chief of Mission Zhou Zhiyong kaugnay sa panibagong water cannon incident sa Panatag shoal noong Martes, Abril 30.
Sa inilabas na statement ng DFA ngayong araw, sinabi nito na iprinotesta ng gobyerno ng PH ang harassment, ramming, swarming, shadowing, blocking, paggamit ng water cannon at iba pang mga agresibong aksiyon ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia laban sa barko ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources habang patungo sa Panatag shoal.
Sinabi din ng ahensiya na ang agresiong aksiyon ng China partikular na ang paggamit nito ng water cannon ay nagdulot ng pinsala sa 2 barko ng PH.
Gayundin, idinemand din ng ahensiya sa Chinese vessels na agad lisanin ang Panatag shoal at bisinidad nito.