Umapela si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa mga opisyal ng Pilipinas na sundin ang guidance o gabay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa halip na sa sinumang opisyal may kinalaman sa pagtugon sa mga isyu sa West Philippine Sea.
Ginawa ng Chinese envoy ang naturang apela kasaay ng paglulunsad ng Manila Chinese Visa Applications Service Center sa Makati city.
Ito ay matapos na sabihin ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. hindi umano ganap na mabubuo ang kasunduan sa pagitan ng PH at China sa pangangasiwa sa pagkakaiba ng 2 bansa maliban na lamang kung kikilalanin ng China ang 2016 Permanent Court of Arbitration ruling na pumapabor sa PH.
Punto pa ng Chinese official kailangan umanong sumunod ng PH sa napag-usapan sa pagitan nila ng China sa katatapos na Bilateral Consultation Mechanism.
Kung saan kapwa nagkasundo ang dalawang panig na pangasiwaan ang maritime disputes sa pamamagitan ng friendly consultations at komunikasyon.
Nanindigan din ito na kailangang mag-meet halfway ang China at PH para resolbahin ang territorial dispute sa diplomatikong pamamaraan at pahupain ang kasalukuyang tensiyon.