KALIBO, Aklan – Hihigpitan umano ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Malay, Aklan ang pag-regulate sa mga establisimentong pagmamay-ari ng mga Chinese sa isla ng Boracay sa mga susunod na araw.
Ito ay kasunod ng tila kabuteng pagsulputan ng mga Chinese establishments kung saan ang iba rito ay walang English o Filipino signages.
Ayon sa LGU-Malay, kailangang may hawak na kaukulang lisensiya at permits ang mga Chinese establishments gayundin ang employment status ng kanilang mga Chinese workers.
Naunang sinabi ni Interior Usec. Epimaco Densing III na bubuo sila ng isang ad hoc committee na mag-iimbestiga sa nasabing isyu na kabibilangan ng mga kinatawan mula sa LGU-Malay, Department of Labor and Employment, Department of Justice, Department of Trade and Industry at Boracay Inter-Agency Task Force.