-- Advertisements --

Nagsagawa na ng imbestigasyon ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City sa pakikipagtulungan ng mga national agencies hinggil sa isang Chinese flag na namataang naka display sa isang warehouse sa isa sa mga barangay ng lungsod.

Ayon sa Public Information Office ng Valenzuela City, gumawa na sila ng kaukulang aksyon laban sa naturang usapin.

Dahil sa naturang insidente, kaagad na sinuri ng mga kinauukulan kung sumusunod ba ito sa mga tamang regulasyon.

Batay sa isang ulat, noong nakalipas na taon ay nakadisplay na talaga ang naturang flag ng China.

Giit naman ng kumpanya, walang silang ibang dahil sa pag didisplay ng naturang simbolo ng kanilang bansa.

Karamihan din aniya sa kanilang mga empleyado ay mga Pilipino.

Ayon sa management ng naturang pasilidad, ang flag ay para lamang sa mga kalapati.

Muli namang inulit ng city government ang Section 34 ng Republic Act (RA) No. 8491 o ang An Act Prescribing the Code of the National Flag, Anthem, Motto, Coat-Of-Arms and other Heraldic Items and Devices of the Philippines, o mas kilala bilang Flag and Heraldic Code of the Philippines.

Ipinagbabawal ng batas ang “pagpapakita sa publiko ng anumang banyagang bandila, maliban sa mga embahada at iba pang mga diplomatikong establisyimento, at sa mga tanggapan ng mga internasyonal na organisasyon.”

Binigyang-diin ng pamahalaang lungsod ang pangako nitong itaguyod ang pagiging makabayan ng mga Pilipino at pambansang pagkakaisa, gayundin ang pagpapaunlad ng paggalang sa Pambansang Watawat ng Pilipinas sa mga mamamayan nito.