-- Advertisements --
Nagpahayag ng pagkabahala sa kanilang mental health ang mga manlalaro ng Chinese Super League (CSL) football.
Sa pagsisimula kasi ng mga laro sa July 25 ay mahihiwalay ang mga ito sa kanilang mga pamilya para mapigilang kumalat ang coronavirus.
Bilang bahagi para sa striktong epidemic control measures ay hahatiin sa dalawang grupo ang 16 teams split.
Bawat walong koponan ay ilalagay sa isang hotel sa Dalian at maglalaro sa northeastern City.
Pagbabawalan pa rin ang mga tao na manood sa bawat laro.
Ang nasabing closed-door game at paglalagay ng mga players sa hotels ay ginawa na rin sa Chinese Basketball Association (CBA) na nagsimula noong Hunyo 20.