-- Advertisements --
Naging madamdamin ang pag-uwi ng Chinese Super League na Wuhan Zall matapos ang tatlong buwang pananatili sa Spain dahil sa coronavirus pandemic.
Nanatili kasi ang mga ito sa Spain noong Enero para sa kanilang training camp.
Matapos ang mahabang bahagi sa Germany ay dumating ang koponan sa Shenzhen noong Marso 16.
Pagdating nila sa Shezhen ay sumailalim ang mga ito sa tatlong linggong quarantine.
Sinalubong sila ng maraming fans at labis na rin ang kasabikan ng mga manlalaro na makauwi sa kanilang mga bahay.
Nakatakda sanang magsimula ang Chinese Super League noong Pebrero 22 subalit ito ay kinansela dahil sa pananalasa ng virus.