-- Advertisements --
Hinikayat ni Chinese Foreign Minister Wang Yi ang European Union na tratuhin ang China hindi bilang kanilang kalaban.
Inakusahan din nito ang mga bansang nagiging malapit sa Taiwan nang pananabotahe sa relasyon ng China at EU.
Isinagawa nito ang pahayag sa pagbisita niya sa bansang Greece.
Ito kasi ang unang bansa na kaniyang pinuntahan sa apat na bansa sa Europa na kaniyang pupuntahan kabilang ang Serbia, Albania at Italy.
Sinabi nito na dapat magrespetuhan ang China at EU para maayos ang kanilang hindi pagkakaunawaan.
Ginawa ni Wang ang European tour matapos ang ilang araw na pagbisita naman ni Taiwanese Foreign Minister Joseph Wu sa Czech Republic at Slovakia.