-- Advertisements --

Naglabas ng statement ang Chinese Embassy sa Maynila mula sa hindi pinangalanang tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry.

Kung saan binatikos ng Chinese official ang mga naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa idinaos kamakailan na Shangri-La Dialogue at tinawag itong pagbalewala umano sa kasaysayan at katotohanan.

Iginiit pa nito na mayroong indisputable sovereignty ang China sa Nanhai Zhudao at mayroon umano itong sovereign rights at hurisdiksiyon sa relevant waters.

Saklaw ng Nanhai Zhudao na isang China-made concept ang mga isla ng Paracels at Spratlys o ang 9 dash line, bagay na ibinasura ng 2016 Arbitral Award na kumilala naman sa maritime entitlements at sovereign rights ng PH.

Iginiit din ng hindi pinangalanang tagapagsalita ng China Foreign Ministry na ang Pilipinas umano ang lumabag sa mga pangako at gumagawa ng mga probokasyon sa dagat, sa kabila pa ng serye ng mga harassment na ginawa ng kanilang China Coast Guard laban sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas gamit ang water cannon at mga mapanganib na maniobra.

Pinuna din ng China ang suporta ng Amerika sa Pilipinas.

Matatandaan sa 21st International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue sa Singapore, binigyang diin ni Pang. Marcos ang commitment ng kaniyang administrasyon para sa paninindigan sa soberaniya ng PH at pagprotekta sa ating teritoryo sa gitna ng mga hamon sa WPS.

Top