-- Advertisements --
Nanawagan ang Chinese Ministry on Foreign Affairs sa mga opisyal ng gobyerno na dapat laging bantayan ang kanilang ugali at umakto na naayon sa estado sa buhay.
Sinabi ni Foreign ministry spokesman Wang Wenbin na walang maidudulot ng maganda ang pagkakaroon ng “megaphone diplomacy.”
Iginiit nito na dapat tumigil na ang Pilipinas na gumawa ng hakbang na maaaring magdulot ng kumplikasyon ng sitwasyon dahil pag-aari ng China ang Scarborough Shoal.
Reaksyon ito ni Wenbin sa naging pagmumura ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr sa kaniyang social media na pinapaalis ang China sa mga karagatang sakop ng Pilipinas.