-- Advertisements --

Nasa unang puwesto sa women’s golf si Yin Ruoning ng China.

Ito ay matapos na magtapos siya ng ikatlong puwesto sa LPGA Queen city Championship.

Ang 20-anyos ay naging pangalawang Chinese na babae na nakakuha ng number one ranking kasunod ni Feng Shanshan mula November 2017 hanggang Abril 2018.

Itinuturing ni Yin na isang katuparan ng kaniyang panaginip ang pagiging una sa puwesto sa ranking.