Hindi tinanggap ng Chinese central government ang inihaing proposal ni Hong Kong leader Carrie Lam na tuluyan nang ibasura ang extradition bill at ipinag-utos nito na huwag makikinig sa mga hinaing ng mga nag-aalsa.
Bago pa man ang pagharang na ito ay direkta nang sinabi ni Lam sa China ang limang kahilingan ng mga nagpo-protesta. Para kay Lam, magiging daan umano sa kapayapaan kung pakikinggan ng kanilang gobyerno ang nais ng mga raliyista.
Una rito ay kinondena ng China ang nagaganap na malawakang kilos-protesta at nagawa rin nitong akusahan ang ilang bansa sa di-umano’y pakikialam ng mga ito sa naturang rehiyon.
Makailang ulit din na nagbabala ang Foreign Ministry sa ilang nasyon na huwag nang makisali sa kaguluhan sa Hong Kong dahil ito raw ay maituturing na isang “internal affair.”