Matindi ngayon at puspusan ang pagmamadali ng pamahalaan ng China na maitayo kaagad sa loob ng 10 araw ang espesyal na ospital na eksklusibong tutugon sa mga pasyente na kinapitan ng novel coronavirus.
Ang pasilidad ay inaasahang magagamit na sa February 3 upang punan ang shortage ng hospitals.
Napakarami ngayon ng mga excavators, bulldozers at mga trucks, kasama ang mahigit 50 mga trabahante ang tulong-tulong sa pagbuo ng ospital.
Napakahaba na rin ng pila ng mga trucks na karga ang iba’t ibang magiging parte ng ospital na pre-fabricated.
Ang magiging kapasidad ng ospital ay aabot sa 1,000 beds kung saan may lawak ang lupain na 25,000 square meter.
Magiging model ng bagong ospital ang ginawa rin noong taong 2003 nang magkaroon din ng outbreak ng Sars o Severe Acute Respiratory Syndrome kung saan umabot sa 349 katao ang namatay sa mainland China habang nasa 299 naman ang naitala sa Hong Kong.
Una rito, may 10,000 mga medical staff sa main hospitals sa Wuhan ang hindi na maasikaso ang ibang mga pasynete dahil sa damai ng mga isinusugod.
Marami sa mga ito ang ilang araw na ring hindi nakikita ang mga kamag-anak at dagdag pa ang shortage ng mga supplies.
May kumalat pa na mga video sa internet na may ilang pasyente ang namamatay na lamang sa haba ng pila sa ospital.
May tents din na inilagay sa labas ng mga ospital.