-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nangako ang Philippine Coast Guard (PCG) na sasailaim sa masusing imbestigasyon ang nakaraang insidente sa Recto Bank, West Philippine Sea na kinasangkutan ng mga Pilipino at Chinese na mangingisda.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni PCG commandant Adm. Elson Hermogino na target nilang marinig ang paliwanag ng mga sakay ng Chinese vessel.
Ito’y dahil wala pa ring pahayag na lumulutang mula sa foreign fishing crew.
Kaugnay nito inamin ni Hermogino na magdadagdag sila ng pwersa sa bahagi ng Recto Bank para sa seguridad ng mga Pilipinong mangingisda.