Nilisan ng mga Chinese maritime militia vessel ang Panatag shoal habang tinatahak ng bagyong Enteng ang direksiyon patungong West Philippine Sea.
Ayon kay US Maritime Security expert at West Philippine Sea monitor Ray Powell, 6 na Qiong Sansha Yu chinese maritime militia vessels mula sa Panatag shoal ang pabalik ng Hainan island sa China bagamat pinanatili ang presensiya ng 111 meter na China Coast Guard 3305 sa naturang shoal.
Aniya, maaaring kaya ng malalaking barko ng CCG ang hagupit ng bagyo kesa sa militia vessels.
Noong Lunes, ang ikalawang CCG vessel na may hull number 3106 ay namataan din sa Panatag shoal subalit pinatay nito ang automatic identification system at kasalukuyang nasa dark position kaya hindi makumpirma ang eksaktong lokasyon ng Chinese vessel nitong Martes. Subalit posible aniya na nanatili din ang naturang CCG sa lugar.