Biniberipika na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Chinese military drills sa may Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.
Ayon kay AFP public affairs office chief Col. Xerxes Trinidad, kanila ng kinukumpirma ang katotohan kaugnay sa reports na pinakilos umano ng People’s Liberation Army ng China ang kanilang armed forces para sa pagsasanay sa karagatan sa may Bajo de Masinloc.
Ginawa ng AFP official ang pahayag kasunod ng inilabas na statement ng PLA nitong Huwebes na in-organisa ng Southern Theater Command ang kanilang naval at air forces para magsagawa ng combat readiness patrols sa karagatan, himpapawid at paligid ng Bajo de Masinloc na tinatawag ng China bilang Huangyan Island.
Ang Bajo de Masinloc na tinatawag din bilang Scarborough shoal at Panatag shoal ay nasa 124 nautical miles mula sa baybayin ng Zambales na pasok sa 200 nautical miles ng exclusive economic zone ng Pilipinas na pilit inaangkin ng China na parte ng kanilang territorial waters.