Namataang umaaligid ang Chinese military drones sa perimeter ng Taiwan kasunod ng kamakailang joint sail ang Philippines at Japan Navy sa West Philippine Sea.
Ayon kay Institute for national Defense and Security Research fellow Su Tzu-yun, maaaring isinagawa ng China ang naturang mga maniobra para takutin ang Taiwan.
Kaugnay nito, inirekomenda ni Democratic Progressive Party Legislator Wang Ting-yu na pahusayin pa ang defense capabilities ng kanilang teritoryo para makapaghanda sa mga banta ng China.
Una rito, iniulat ng Taipei media na 2 uri ng Chinese drones ang namataan ng Defense Minsitry na lumilipad sa may perimeter ng Taiwan noong Sabado.
Kung saan nataon na may 31 Chiense military aircraft at 12 Chinese warships ang nag-ooperate sa loob at malapit sa Taiwan Strait habang isinasagawa ang drone maneuvers.