-- Advertisements --
Sumuko na ang Chinese millionaire na kumuha ng entrance examinations sa isang unibersidad.
Ito ay dahil sa hindi pa siya nakakapasa matapos ang 27 beses niyang pagkuha ng nasabing entrance examinations.
Ayon sa 56-anyos nas i Liang Shi na nakakuha lamang siya ng 424 points sa kabuuang 750 points.
Nangangahulugan nito na kulang siya ng 34 points para sa itinakdang pasado sa University of China.
Aabot sa 13 milyong mga Chinese ang kumuha ng nasabing pagsusulit ngayong taon para maipagpatuloy ang kanilang higher education.
Mula pa noong 1983 ng magsimula siyang kumuha ng nasabing entrance examination.
Base sa datus ng China na mayroong 41.6% lamang ang natatanggap sa mga kumuha ng nasabing pagsusulit para makapasok sa kolehiyo.