Umatras bilang brand ambassador ng Versace ang Chinese actress at singer na si Yang Mi matapos di-umano’y labagin ng nasabing sikat na fashion company ang umiiral na “one China, one system” policy sa Beijing.
Sa inilabas na pahayag ng kampo ng aktres, inanunsyo nito ang tuluyang pag-terminate ng kaniyang kontrata sa Versace bilang tugon sa bagong inilabas na disenyo ng naturang fashion house kung saan inilista nito ang Hong Kong at Macau bilang bansa at hindi isang syudad.
Humingi naman ng tawad ang company owner at designer na si Donatella Versace dahil sa pagkakamali ng kanilang kampo.
“China’s territorial integrity and sovereignty are sacred and inviolable at all times,” saad
“As a company of the People’s Republic of China and Yang Mi as a citizen of the People’s Republic of China, we are deeply offended. It is the duty of all Chinese citizens to uphold the “One China” principle and adamantly safeguard national unification,”
Naglabas din ng opisyal na pahayag ang Versace bilang sagot sa nasabing insidente. Inihayag din nito na hindi na nila itutuloy ang pagbenta ng naturang damit.
“The Company apologizes for the design of its product and a recall of the T-shirt has been implemented in July,”