-- Advertisements --

Arestado ng Bureau of Immigration ang isang dayuhang Chinese na nagpapanggap umano bilang isang Pilipino habang nasa bansa.

Kung saan nahuli ang naturang dayuhan sa lungsod ng Pasig matapos ang operasyong ginawa ng kawanihan katuwang ang Armed Forces of the Philppines (AFP) at ang National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Bureau of Immigration Commissiner Joel Anthony Viado, kinilala ang nagpapanggap na Chinese national na si Lu Tianqu, 32 taon gulang.

Naaresto si Lu Tianqu nang makatanggap ang Bureau of Immigration ng intelligence mula sa AFP na nagsasabing nagpapakilala umano ito bilang Pilipino sa kanyang mga transaksyon sa bansa.

Base sa isinapubliko pang pahayag, hindi lamang iisang beses ito nangyari kundi maraming pagkakataon na rin na siya’y nagpapanggap na Filipino citizen iba’t ibang transaksyon haban nananatili sa bansa.

Naiulat rin na si Lu Tianqu ay gumagamit ng Philippine passport at mayroon pang Philippine driver’s license na nakarehistro bilang bilang isang Pilipino.

Ayon pa sa Bureau of Immigration, nakatanggap din sila ng mga impormasyon na ang naarestong Chineses ay may-ari ng financial holdings company na may 47 subsidiaries at 97 pang real estate properties.

Kaya naman itinuring siya ng mga government intelligence sources bilang potential threat sa seguridad ng bansa lalo na sa kanyang mga gawain.

Dahil dito, matapos ang kanyang pagkakaaresto ay mananatili muna siya sa pasilidad ng Bureau of Immigration sa loob ng Camp Bagong Diwa, sa lungsod ng Taguig.

Kakaharapin niya ang posibleng deportation sa kanyang pagpapanggap bilang isang Filipino Citizen kahit pa na siya’y Chinese national na nananatili lamang sa bansa.