ILOILO CITY – Arestado ang isang Chinese national at mga empleyado nito matapos ni-raid ng mga otoridad ang trading company na nagbebenta umano ng mga pekeng construction materials.
Ang arestado ay si Zhan Xianbai na may-ari ng E-MK Hardware Trading; at mga empleyado nito na sina Erwin Doloso at Gerald Bonete.
Arestado rin ang dalawa pang mga empleyado ng Sentak Marketing na pagmamay-ari rin ng nasabing Chinese national.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Liuetenant Colonel Antonio Benitez, Jr., chief ng City Intelligence Unit, sinabi nito na himingi ng tulong ang kinatawan ng Taiwan Resibon Abrasive Products Limited company/Tailin Abrasives Corporation na siyang orihinal na manufacturer ng tailin cutting disc.
Ayon kay Benetize, nasamsam sa dalawang mga establishment ang mga pekeng produkto
at mga resibo na posibleng makatulong upang matukoy ang trading company ng counterfeit na mga tailin cutting disc.
Ang mga arestado ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines.