-- Advertisements --

Nasagip ng mga awtoridad ang isang babaing Chinese national na biktima ng kidnapping o pagdukot matapos na makatakas mula sa mga suspek sa Batangas City.

Ayon sa Batangas Police, sinabi ng biktima mula Shanghai, China at residente din sa New Port City sa Pasay city.

Natagpuan ng kapulisan ang biktima sa isang convenience store sa isang village at dinala ito sa police station.

Pahayag ng biktima na dinukot siya sa Angeles city, Pampanga noong Setyembre 17 at ikinulong sa isang bahay sa Barangay Alangilan.

Agad na nagsagawa naman ng manhunt operation ang pulisya laban sa mga suspke na dumakip at nagkulong sa biktima ng 20 araw.

Una rito, noong Setyembre 18, isang unknown caller ang tumawag sa boyfriend ng biktima na humihingi ng pera na nagkakahalaga ng US$2 million (PHP116 million) at nagpadala pa ng video clip ng biktima habang pinagpapalo ito ng baseball bat sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng PNP Anti-Kidnapping Group ang biktima habang nagpapatuloy ang manhunt operation laban sa mga suspek.

Top