-- Advertisements --

Matagumpay na naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang tatlong Chinese national na nagtangkang lumusot sa immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon sa ahensya, ang mga ito ay kinilalang sina Yu Yang, Wang Bo, at Zhang Yong.

Ang tatlo ay nagtangkang lumabas ng bansa sakay ng isang flight patungong Hong Kong.

Sa isang pahayag, sinabi ni BI commissioner Norman Tansingco, matapos ang naging beripikasyon, nadiskubre ng ahensya na ang tatlong Chinese national ay may derogatory record sa imigrasyon .

Ito rin ay subject na umano ng blacklist order na inisyu pa noong nakaraang taong 2023.

Samantala, ang mga naharang na chinese national ay kaagad na inilipat sa I Wardens’ Facility sa Bicutan, Taguig .

Dito ay pansamantala silang mananatili habang hinihintay ang araw ng kanilang deportasyon .