Naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang chinese national na mayroong red notice sa International Criminal Police Organization (Interpol).
Ayon sa Bureau of Immigration, dumating sa naturang paliparan ang 32 anyos na si Li Mingzhu noong Abril 12 kung saan nadiskubre ng mga awtoridad na mayroon itong Interpol red notice para sa voice phishing fraud.
Ipinag-utos ng prosecutor’s office sa South Korea ang pag-aresto kay Li noong Abril 2023 para sa paglabag sa telecommunication laws.
Ayon naman kay Immigration Commissioner, ang kaso ng naturang Chinese national ay nagbibigay diin sa pangangailangan para sa international cooperation upang masawata ang transnational crimes gaya ng voice phishing.
Samantala, inilagay na rin sa blacklist ng mga banyaga ng BI si Li kayat pinagbabawalan na itong makapasok sa ating bansa at papabalikin sa pinagmulan nitong lugar sa Hong Kong.