Inaresto ng mga opisyal ng IMMIGRATION ang isang hinihinalang Chinese na nagpapanggap bilang isang mamamayan ng Vanuatu sa Ninoy Aquino International Airport.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco kinilala itong si Alex Cooper, 43 anyos, na may hawak ng Vanuatu passport.
Sasakay sana si Cooper ng flight patungong Bangkok. ngunit nabigo na ito matapos na maharang.
Sa ngayon ay nakakulong na ito sa BI’s detention facility sa Taguig City.
Ang pagsisiyasat na isinagawa ng border control at intelligence unit ng BI ay unang nagsiwalat na si Cooper ay fluent ng Chinese at halos hindi makapagsalita sa Ingles.
Nakuha rin sa kanya ang isang Chinese mobile phone.
Sinabi ni Tansingco na sinabi ni Cooper sa mga opisyal ng imigrasyon na hindi pa siya nakapunta sa Vanuatu at walang alam tungkol sa bansa at sa kultura nito.
Naharang siya ng mga opisyal ng imigrasyon nang mailagay ang kanyang pangalan saBI’s alert list matapos magbigay ng tip ang mga impormante sa kawanihan tungkol sa kanyang pekeng Vanuatu citizenship nito.