TACLOBAN CITY- Pinagbabaril patay ang isang negosyante sa harap mismo ng pagmamay-ari nitong hardware sa Brgy.74 Lower Nula Tula Tacloban City.
Ayon kan PCapt Marjorie Manota, Chief PCR ng Tacloban City Police Office na kinilala ang biktima na si Manuel Tan, 50 taong gulang,at isang Chinese National.
Ayon pa sa naturang opisyal na onboard pa ang naturang biktima sa kanyang Toyota Rush habang hinihintay ang security guard na mabuksan ang gate ng bigla nalang lumapit ang tatlong lalaking sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ito.
Narekober sa crime scene ang tatlong fired catriages, at 2 ammunition na galing sa isang calibre 45 na baril.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman ang motibo ng krimen at makilala ang nasa likod nito.