Inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese na pinaghahanap ng mga awtoridad sa People’s Republic of China (PROC) dahil sa pagkakasangkot nito sa economic crimes.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, inaresto si Chen Xiao Bang, 29, sa kahabaan ng Vito Cruz Extension, Brgy. La Paz, Makati City ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU) ng BI.
Sinabi ni Tansingco na si Chen ay nasa wanted list din ng BI dahil inutusan na siyang i-deport at i-blacklist ng bureau noong nakaraang taon dahil sa pagiging undesirable alien.
Bitbit ang warrant of arrest laban sa subject ay kaagad na naaresto aagad ito ng mga tauhan ng ahensya.
Dagdag pa ng BI chief na ililipad si Chen sa China sa sandaling makuha ng bureau ang mga kinakailangang clearance para sa kanyang deportasyon.
Mananatili naman ito sa BI detention center sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.