-- Advertisements --

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang Chinese National na pinaghahahanap sa Beijing dahil sa kasong kinasasangkutan nito na may kinalaman sa human trafficking.

Ang nasabing foreign national ay kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco bilang si Tong Jialong, 35 anyos.

Si Jialong ay paalis sana ng bansa sakay ng isang flight patungong Shanghai.

Ayon kay Tansingco, ang subject ay nagkaroon ng hit sa kanilang record partikular na sa kanilang Interpol derogatory system.

Dito ay natukoy na si Jialong ay may subject for red notice.

Pinayagan namang makaalis ng Pilipinas ang nasabing suspect ngunit na i-coordinate na nila ito sa Chinese police.

Kaagad namang naaresto si Tong pagdating nito sa Shanghai at kasalukuyan na itong nasa kustodiya ng mga otoridad sa China.