-- Advertisements --

Naaresto sa Binondo, Manila ang isang Chinese national na wanted sa kanilang bansa sa kasong financial fraud.

Ayon sa Bureau of Immigration, natukoy ang Chinese national na si Qiu Jiajian, 52 anyos na naaresto noong Abril 15.

Base sa Chinese authorities, gumamit si Qiu ng palsipikadong special value-added tax invoices at sangkot sa iba pang tax-related violations.

Ayon pa kay BI Fugitive Search Unit Acting Chief Rendel Sy na inisyu ng Licheng sub-bureau ng Quanzhou public security bureau ang naturang arrest warrant laban kay Qiu.

Maliban sa nakabinbing kaso sa China, nadiskubre ding overstaying si Qiu at undocumented alien sa PH dahil expired na ang kaniyang pasaporte noong Setyembre 2023.

Kaugnay nito, blacklisted na ang Chinese national at hindi na papayagan pang makapasok muli sa PH.

Ikinustodiya ang Chinese national sa pasilidad ng BI sa Taguig hanggang sa kaniyang deportasyon.