KALIBO, Aklan – Nanguna ang Chinese sa mga foreign tourists na bumisita sa isla ng Boracay sa buwan ng Agosto 2019.
Batay sa record ng Provincial Tourism Extension Office sa Caticlan jetty port, nasa 43,963 ang kabuuang bilang ng mga turistang Chinese na nagbakasyon sa pamosong isla mula Agosto 1 hanggang 31 ng kasalukuyang taon.
Sinundan ito ng mga dayuhang turista mula sa Korea na umabot sa 38,791.
Pumangatlo naman sa talaan ang Taiwan na nakatala ng 3,837; Saudi Arabia na umabot sa 1,355 at Japan na may bilang na 1,237.
Samantala, umaasa naman ang Aklan Provincial Government na madadagdagan ang bilang ng mga local at dayuhang turista na bibisita sa tanyag na tourist destination sa buong mundo.
Simula Enero 1 hanggang Agosto 31, ang tourist arrival sa Boracay ay nasa 1,480,445 na.