CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinag-utos ng Police Regional Office 10 na isailalim ng monitoring ang lahat ng Chinese nationals na pumasok sa rehiyon ng Northern Mindanao.
Nag-ugat ang kautusan ni PRO 10 Director Brig Gen Jaysen de Guzman sa kagustuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na itigil na ang lahat ng mga aktibidad patungkol sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) kung saan sa Cagayan de Oro City matatagpuan isa sa mga pasilidad na pinatakbo ni Antonio Mahestrado Lim alyas Tony Yang.
Paliwanag ni De Guzman na kung magne-negosyo ng tama ang mga bisitang Tsino sa rehiyon ay walang problema subalit hindi nito gusto na mauulit na malusutan ng POGO operation ang rehiyon na siya na ang namumuno sa PRO 10.
Katunayan,pinapa-inspeksyon ng heneral ang lahat ng mga bodega at ilang residential houses na posibleng pinamumugaran ng pinaliit na mga grupo subalit patuloy nasa likod ng POGO controversy.