KALIBO, Aklan – Itinuturing ngayon na top violators ng mga lokal na ordinansa sa isla ng Boracay ang mga Chinese nationals sa unang apat na buwan ng kasalukuyang taon.
Batay sa record na ipinalabas ng Boracay Tourism Regulatory Enforcement Unit ng Local Government Unit (LGU) Malay, naitala ang nasa 739 violations ng mga Chinese nationals.
Sinusundan ito ng Korean nationals na may record na mahigit sa 277 violations sa naturang mga buwan.
Samantala, ang mga lokal na turista naman ay nakatala lamang ng 92 violations habang ang mga Russians at Taiwanese tourists ay nasa 38 at 35 ang violations.
Sa kabila nito, kumambiyo si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na ang mga Chinese nationals pa rin ang top foreign visitors sa sikat na isla.
Nabatid na inilunsad ng pinagsanib na pwersa ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG) at pulisya ang Project BESST upang mabawasan ang mga violators sa isla.
Layunin nito na maging “Discipline Zoned Boracay†ang popular tourist destination.