Naipadala na ng San Lazaro Hospital sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City ang samples ng isang 29-anyos na Chinese national na namatay sa ospital matapos ma-admit noong Lunes.
Pinaghihinalaan na kasi ngayon na posibleng ang 2019 Novel-CoronaVirus (N-CoV) ang sanhi ng pagkamatay nito.
Ayon sa direktor ng ospital na si Dr. Edmundo Lopez, pneumonia ang kanilang findings kung bakit namatay ang ang lalaki na mula Yunnan province sa China. Nag-positibo rin daw ito nang isailalim sa HIV testing.
“The patient was seen symptomps upon admission. Mayroon siyang mga cervical lesions, mga kulani; lung findings. Basically payat yung pasyente. Mayroon din siyang anal wart.”
Tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na mas mapapabilis na ang pag-kumpirma sa mga pinaghihinalaang N-CoV cases dahil magse-set up na sila ng laboratory facility.
“The RITM will no longer be sending tests for confirmation, because the primers that pre-ordered by the RITM have arrived in the country; and they are now setting up the laboratory for this,” ani Health Usec. Eric Domingo.
“Once the laboratory is set up, within 48 hours they will be able to start running the tests for the 2019 Novel-CoronaVirus.”
Sa ngayon 23 indibidwal pa rin ang persons under investigation. Ang 18 dito hinihintay pa ang resulta ng screening test na nasa RITM.
Pending naman ang resulta ng confirmatory test ng samples ng anim na PUI na ipinadala sa Australia.
Habang iniimbestigahan pa ang umano’y suspected case sa Baguio City.
Paliwanag ni Dr. Chito Avelino, direktor ng DOH Epidemiolgy Bureau, mababa ang 3.8-percent infectivity rate o tsansa ng pagkakapasa ng sakit na N-CoV. Kumpara sa measles o tigdas na may 18-percent infectivity rate.
“That means for one individual infected with the infection (N-CoV), there is a possibility for him to transmit it to two to three uninfected individuals.”
Sa kabila ng mga pangamba, nilinaw ng Health department na nananatiling malaya mula sa N-CoV ang Pilipinas.
Pero hindi umano ibig sabihin nito na dapat magpakampante na rin ang publiko mula sa banta ng sakit.