CAGAYAN DE ORO CITY – Tinukoy ni Senadora Risa Hontiveros na siyang chairperson ng committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality sa Senado na sangkot rin umano si Yang Jian Xin alias Tony Yang ng umano’y financial scams sa mismong bansang China.
Pagbubunyag ito ng senadora nang humarap sa isang pulong-balitaan na isinagawa sa Cagayan de Oro City bago lumuwas pabalik Maynila kaninang umaga.
Sinabi ni Hontiveros na maliban sa kinasangkutan ni Yang na umano’y illegal activities ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na ka-transaksyon si dating Bamban,Tarlac Mayor Alice Guo natuklasan ng kanilang pananaliksik na pinaghanap rin pala ito sa gobyerno ng Tsina.
Dagdag nito na panibagong pagkasangkot sa pangalan ni Yang na umano’y may-ari ng non-operational POGO hub sa Barangay Cugman ng Cagayan de Oro at napatayo na Philippine Sanjia Steel Corporation sa loob ng PHIVIDEC Industrial Authority na nakabase sa Tagoloan,Misamis Oriental ay makakatulong sa patuloy na imbestigasyon na magbabalik bukas ng umaga.
Si Yang na gumagamit ng local name na Antonio ‘Tony’ Maestro Lim alyas Tony Yang ay kasaluluyang naka-home address sa Yakal Street,Brgy Cugman nitong syudad ay naaresto ng Presidential Anti-Organized Crime Commission at Bureau of Immigration sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 mula Laguindingan Airport ng Misamis Oriental noong nakaraang linggo.