-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Nasa pangangalaga na ng National Bureau of Investigation (NBI)-Manila ang apat na Chinese nationals na nahuli sa lungsod ng Urdaneta, Pangasinan matapos silang makuhaan ng P124 milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Diosdado Araos, agent-in-charge ng NBI Laoag, sinabi nito na non-bailable o walang nakatakdang piyansa sa isinampang kaso laban sa mga chinese national na kinilalang sina Lu Jun, Zuo Sheng Li, Li Yu, at Ye Ling.

Bukod sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga, nahaharap din ang ilan sa mga ito sa violation of Philippine passport dahil sa paggamit ng pekeng pasaporte at pekeng pangalan.

Matatandaang nakuha sa mga banyaga ang bulto-bultong shabu sa isinagawang operasyon ng NBI sa isang subdivision sa Urdaneta noong nakalipas na linggo.