Nagsasagawa ang Chinese People’s Liberation Army Navy ng maritime exercises sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas sa unang pagkakaton ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Iniahayad din ni Commodore Roy Vincent Trinidad, PH Navy spokesperson on the West Philippine Sea na ang namataang pagdami ng Chinese warships sa West Philippine Sea mula Hunyo 11 hanggang 22 ay maaaring maiuugnay sa maritime drills na isinasagawa ng PLA Navy sa bisinidad ng Sabina shoal mula Hunyo 4 hanggang 11.
Kabilang aniya sa naturang pagsasanay ang isang landing ship, isang warship at 2 iba pang support vessels.
Nagsagawa ang mga ito ng launching at recovery ng aircraft at hovercraft at iba pa.
Sinabi din ng PH Navy official na hindi coordinated sa gobyerno ng PHB ang military drill na ito ng China sa Sabina shoal subalit inobserbahan ng PH military ang isinagawang miliatry exercise ng China at siniyasat ang mga detalye ng kanilang kapasidad.
Inihayag din ni Comm. Trinidad na ang presensiya ng PLA Navy sa Sabina shoal ay kumakatawan sa presensiya nito sa buong WPS na ilegal, coercive, agressive at deceptive.
Ang pagdami nga ng mga barko ng China na namataan sa WPS ay ilang na lamang bago ang Hunyo 15 na pagpapatupad ng China ng polisiya nito na nagootorisa sa kanilang coast guard na arestuhin at ikulong ng 60 araw nang walang paglilitis ang dayuhang trespassers na nasa kanilang inaangking karagatan.