-- Advertisements --
Pinaratangan ng Chinese Navy ang Philippine frigate ng iligal na pagpasok sa katubigan sa Scarborough shoal.
Sa isang statement, inihayag ng Southern Theatre Command ng China na seryosong nilalabag umano ng PH ang soberaniya at batas ng China.
Sinubaybayan din umano ng Chinese Navy at itinaboy ang barko ng Pilipinas.
Sinabi din ng tagapagsalita ng Chinese Navy na hinimok ng kanilang hukbong dagat ang panig ng PH na agad itigil ang panghihimasok at probokasyon nito.
Hindi pa naman naglalabas ng komento ang Embahada ng Pilipinas sa China kaugnay sa panibagong insidente sa pagitan ng China at PH.