-- Advertisements --

Tutulong ang Chinese navy sa Indonesia sa pag-ahon nila ng submarine.

Isa lamang ang China sa ilang bansa gaya ng Australia, Singapore at Malaysia ang tumulong para maiangat ang nawasak na KRI Nanggala 402 submarine na may lulan na 53 crew.

Nauna ng nasa Indonesia ang dalawang Chinese salvage ships sa karagatang bahagi ng Bali habang dumating nitong Martes ang ikatlong barko ng China.

Magugunitang noong nakaraang mga linggo ng biglang nawala ang submarine habang nagsasagawa sila ng military drill sa karagatan.

Matapos ang ilang araw ay nakita ang ilang bahagi nito na nahati sa tatlong piraso kung saan pinaniniwalaang patay na ang mga crew.