-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Kalmado ngayon ang mga daan sa Hong Kong sa kabila ng pagdiriwang ng Chinese New Year ngayong araw.

Taliwas umano ito sa nakasanayang maingay at masayang pagdiriwang ng bagong taon noong nakaraang mga taon.

Ganito inilarawan ni Bombo international correspondent Jean Gallego ang sitwasyon ngayon sa naturang bansa.

Dagdag ni Gallego, wala ring mga paputok ngayong Chinese New Year

Maliban dito, humupa rin ang sitwasyon ng mga nagpoprotestang mga mamamayan kaugnay sa kontrobersyal na extradition law na tumagal rin ng pitong buwan.

Ayon kay Gallego na tubong General Santos City, dahil ito sa novel coronavirus mula sa China at mayroon ring nakumpirmang mga kaso sa Hong Kong.

Kaya makikita umano na lahat ng mga tao ay nakasuot ng face masks, raincoat at goggles.

Tiniyak din ni Gallego sa kaniyang mga kaanak dito sa Pilipinas na ligtas ang kaniyang kalagayan dahil ibayong pag-iingat ang kaniyang ginagawa upang maiwasang makuha ang naturang sakit.