-- Advertisements --
Air Guilin
Air Guilin

Pinatawan ng lifetime ban na makapagpalipad ng eroplano ang isang Chinese pilot dahil sa pagpapasok ng isang babae sa cockpit sa kalagitnaan ng flight.

Nasita lamang ang insidente ng mag-viral ito sa social media.

Dahil dito ay hindi na pinalagpas pa ng Air Guilin ang pangyayari kaya pinatawan na nila ng kaparusahan ang piloto.

Ang nasabing babae ay isang estudyante ng kumukuha ng kursong flight attendant.

Kasamang pinatawan ng indefinite suspension ang mga crew ng eroplano.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na pinatawan ng kaparusahan ang piloto dahil noong 2018 ay sinuspendi na ito ng ng anim na buwan.

Tiniyak naman ng airline company na hindi na mauulit pa ang nasabing pangyayari na magdadala sa kapahamakan sa pasahero.