-- Advertisements --

Pinakikilos na ng Malacañang ang Bureau of Immigration (BI) para sa deportation proceedings laban sa mga Chinese workers sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na iligal na pumasok sa bansa at nakinabang sa “pastillas modus” sa airport.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, trabaho ng Immigration na palayasin ang mga dayuhang hindi sumailalim sa tamang proseso ang pagpasok sa Pilipinas at hindi lamang mga Chinese.

Ayon kay Sec. Panelo, dapat alam ng Immigration ang trabaho nila at hindi na kailangan pang pagsabihan ng Malacañang.

Ilan lamang sa mga lumulutang na krimen kakambal ng pagyabong ng POGO industry sa bansa ay prostitusyon, kidnapping ng kapwa nila Chinese workers at tax evasion.