Dumating na si Chinese President Xi Jinping sa Russia para sa tatlong araw na state visit nito hanggang Marso 22 para pag-usapan ang posibleng hakbang para sa kapayapaan sa Ukraine.
Sinabi ng Chinese President na ang kaniyang panukala kung paano reresolbahin ang krisis sa Ukraine ay sumasalamin sa pananaw ng sanlibutan at naglalayong ma-neutralize ang posibleng consequences.
Ayon sa tagapagsalita ni Russian President Vladimir Putin na magkakaroon din ito ng one on one meeting kay Chinese President Xi kasunos ng isang informal lunch.
Nais ng Chinese President na maipresenta ang China bilang global peace maker. Naging hayagan din ang China sa pagiging neutral nito pagdating sa conflict sa Ukraine habang binatikos ang ipinataw na sanctions ng Western laban sa Russia na malapit na kaalyado nito.
Matapos sa Russia, inaasahang magkakaroon din ng pag-uusap sa pagitan nina Chinese President Xi at ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky.