-- Advertisements --

Hinikayat ni Chinese President Xi Jinping ang bagong halal na opposition party ng Taiwan na makaipag-alyansa sa kanila.

Sa kaniyang congratulatory letter kay Eric Chu ang bagong halal na lider ng Beijing-friendly Kuomintang (KMT) party na dapat magkaisa sila sa Chinese Communist Party sa illalim ng paghahati ng political bases.

Noon pa man ay magkasama na ang kanilang partido na hindi sang-ayon sa pagiging independent ng Taiwan.

Sago naman ni Chu na dapat ang dalawang panig ay magkaroon ng iisang pananaw sa nasabing usapin.

Magugunitang inireklamo ng Taiwan ang makailang beses na pagpapalipad ng kanilang eroplanong pandigma sa nasasakupang karagatan nila.