Nagbabala si Chinese President Xi Jinping hnggil sa cold-war era tensions sa Asia-Pacific.
Sa isang recorded video message sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit, sinabi ni President Xi na ang pagtatangkang magkaroon ng ideological lines o pagbuo ng maliit na alyansa sa geopolitical grounds ay mabibigo lamang.
Ginawa ni Jinping ang naturang pahayag kaugnay sa pagsusumikap ng US kasama ang mga kaalyado nito at partners gaya ng Quad kabilang ang India, Japan at Australia para pigilan ang lumalawak na economic at military influence ng China.
Sa kabila nito, hinikayat ng Chinese leader ang mga bansa sa Asia- Pacific na makiisa sa pagtugon sa COVID-19 pandemic at krisis sa klima.
Umapela din si Xi para sa joint effort na mawaksan ang immunization gap para mas maging accessible ang covid19 vaccines para sa mga developing countries.
Nitong Miyerkules, nagkaroon ng kasunduan ang China at US sa COP26 summit na paigtingin pa ang laban sa climate change.