Pormal nang binati ni Chinese President Xi Jinping si US President elect Joe Biden sa pagkapanalo nito sa katatapos na halalan.
Sa kaniyang telegram, sinabi ng Chinese President na umaasa ito na sa pamunuan ni Biden ay titibay ang relasyon ng dalawang bansa.
Ang nasabing pagbati ng Chinese President ay matapos ang dalawang linggo na maraming mga lider na rin iba’t ibang mga bansa sa buong mundo ay bumati na kay Biden.
“Promoting healthy and stable development of China-U.S. relations not only serves the fundamental interests of the people in both countries, but also meets the common expectation of the international community,” bahagi raw ng mensahe ni Xi batay sa ulat ng China state news agency na Xinhua.
Magugunitang nagkarooon ng hindi magandang realasyon ang US at China sa pamumuno ni US President Donald Trump.
Binabatikos kasi ni Trump ang China na sila ang nagpasimuno ng pagpapakalat ng COVID-19 sa buong mundo.