-- Advertisements --

Magtutungo umano sa North Korea sa ngayong linggo si Chinese President Xi Jinping para sa isang state visit.

Ang pagdalaw na ito ni Xi ay kasunod na rin ng kawalan ng development sa usad ng negosasyon ng Estados Unidos at North Korea sa nuclear program ng huli.

Sa anunsyo ng Chinese state media, makikipagpulong si Xi kay North Korean leader Kim Jong-un kasabay ng kanyang pagbisita na itinakda sa Huwebes at Biyernes.

Inaasahan din daw na pag-uusapan ng dalawang leader ang kasalukuyang sitwasyon sa Korean peninsula.

Ito na raw ang unang pagkakataon na may magtutungong Chinese leader sa Pyongyang sa loob ng 14 taon.

Nataon din umano ang pagbisita sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatic relations sa pagitan ng Beijing at Pyongyang. (ABC News)