-- Advertisements --

Nag-alok si Chinese President Xi Jinping ng tulong sa North Korea upang mapigilan pa ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa nasabing bansa.

Tugon ito ni Xi sa liham na kanyang natanggap mula kay North Korean leader Kim Jong-un.

Base sa sulat, nababahala raw si Xi sa posibleng maging masamang epekto ng COVID-19 sa North Korea, maging sa kalusugan ng mga mamamayan nito.

Nalulugod naman umano si Xi na positibo ang resulta ng ginagawang hakbang ng gobyerno ng Pyongyang para mapigilan ang deadly virus.

“China is willing to step up cooperation to contain the pandemic with the Democratic People’s Republic of Korea and provide assistance to the DPRK,” saad sa liham.

“With the joint efforts of both China and the DPRK and the international community, the final victory in this fight against epidemic will be achieved”.

Nitong Biyernes nang iulat ng state news agency ng North Korea na KCNA na nagpadala raw ng “verbal message” si Kim kay Xi.

Dito ay pinuri ni Kim ang China sa matagumpay nitong mga hakbang sa pagpigil sa COVID-19 infection. (BBC/ SCMP)