-- Advertisements --
Personal na binisita ni Chinese President Xi Jinping ang mga medical workers na nangangasiwa sa mga biktima ng coronavirus.
Nakasuot ng face mask at tinignan din ang kaniyang temperatura ng mga medical staff.
Sa kaniyang pagbisita sa Beijing Ditan hospital, kinausap niya ang mga medical frontliners na tumitingin sa mga pasyente.
Tinignan din nito ang ginagawa ng lider ng central Beijing para matiyak na hindi kakalat pa ang nasabing coronavirus.
Magugunitang una nang itinuring ng Chinese President na isang demonyo ang nasabing deadly virus.
Sinasabing halong 1,000 na ang namatay dahil sa nCoV at halos lahat sa mga ito ay sa mainland China.
Samantalang nasa 43,000 na rin ang mga nagkasakit sa iba’t ibang panig ng mundo.